29

BASECO officials kinasuhan ng graft dahil sa P102-M missing funds

Sharing is caring!

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman nag pagsasampa ng 13 counts ng graft laban sa mga opisyal Bataan Shipyard and Engineering Corporation, Inc. (BASECO) dahil sa pagkawala ng pondong aabot sa P102 milyon.

Ang mga pinakakasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) ay sina Proceso Maligalig and Agustiniana Avelino, miyembro ng Board of Directors of the Bataan Shipyard and Engineering Corporation, Inc. (BASECO).

Sabi ng Ombudsman, noong panahon na miyembro ng BASECO board, nag-withdraw ang dalawa ng 13 beses mula Oktubre 2008 hanggang Disyembre 2010 ng kabuuhang P102,070,993.33.

Nag-withdraw ang dalawa na walang namang kaukulang justification o documentation.

“Both respondents stressed that the funds were justifiably used but no single piece of evidence was presented to corroborate their statement. Additionally, Maligalig and Avelino failed to enlighten this Office regarding the purposes for which the withdrawn amounts were intended and whether said purposes were truly served,” sabi ng Ombudsman sa kanilang resolusyon.

“Withdrawing huge amounts from the coffers of BASECO sans proof that these amounts were properly disbursed or utilized constitutes bad faith. Certainly, these repeated withdrawals of BASECO funds resulted in quantifiable, pecuniary losses to the corporation, thus, constituting undue injury within the context of Section 3(e) of R.A. No. 3019.”

Hindi naman isinama sa mga kakasuhan ang iba pang mga opisyal ng BASECO na sina Wilmar Lucero, Rene Cruz, Gloria Cortez, Socorro Santos and Anthony Jay Consunji dahil sa kawalan ng probable cause.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }