175
Basag Kotse gang
Feb 22, 2018 @ 8:58
By

Basag-Kotse Gang umatake; businesswoman, natangayan ng mga LV bag

Natangay mula sa isang babaeng negosyante ang dalawang designer bag nito na nagkakahalaga ng mahigit sa P.2 milyon matapos basagin ng isang hindi kilalang miyembro ng Basag-Kotse Gang ang sasakyan nito na ipinarada sa isang paradahan sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Dumulog kahapon sa tanggapan ng Pasay City police ang biktimang si Geraldine Bernardo, 51, nakatira sa Parañaque City upang i-report ang insidente.

Sa report ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-7:02 ng gabi sa paradahan ng Heritage Hotel sa Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Nabatid na iniwan ng biktima ang susi ng kanyang kulay itim na Subaru na may conduction sticker HW-7281 sa parking attendant ng valet parking.

Makalipas ang isang oras, pagbalik ng biktima upang kunin ang susi ng kanyang sasakyang mula sa parking attendant, napansin niya na basag ang kanang likod ng salamin na bintana ng kanyang sasakyan.

Hanggang sa nadiskubre nito na nawawala ang kanyang bag na Louis Vitton (LV) bag na nagkakahalaga ng P250,000 at coach bag na nagkakahalaga naman ng P25,000.

Kaagad na ini-report ng biktima sa management ng carpark ng hotel ang insidente at binubusisi ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera nito para sa pagkakakilanlan ng suspek na hinihinalang miyembro ng Basag-Kotse Gang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?