31

Jun 21, 2021 @ 12:49
By

Basag! John Collins may pabaon kay Embiid

Matapos ang kanilang 103-96 na panalo sa game 7, may pabaon pa si Atlanta Hawks forward John Collins kay Philadelphia 76ers center Joel Embiid.

Sa post game press conference ng kanilang laban, suot ni Collins ang tshirt na may litrato ng kanyang poster dunk kay Embiid noong game 6.

https://twitter.com/JeromeOnSports/status/1406817013041881092/photo/1

At bagamat naitakas ng 76ers ang panalo noong game 6 sa kabila ng poster dunk ni Collins, siniguro naman ng Atlanta forward na sa kanya ang huling halakhak sa serye.

Noong game 6 rin nagkainitan sina Embiid at Collins kung saan pinag multa pa ng NBA ang 76ers center ng $35,000. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?