19

Apr 22, 2021 @ 14:48
By

Barzaga: Mga bakunado proteksyunan sa ayaw pabakuna

Ipinanukala ng isang solon ang paggawa ng batas upang maproteksyunan ang mga nagpabakuna laban sa COVID-19 sa mga tao na ayaw magpabakuna.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., nakasaad sa Konstitusyon na dapat proteksyunan ng gobyerno ang kapakanan ng nakararami.

“While others might argue that such law shall be discriminatory – discriminating those vaccinated against those non-vaccinated- nonetheless there shall be no violation of the constitutional rights to due process and equal protection clause. Every individual therefore to avoid adverse consequences must allow themselves to be vaccinated,” paliwanag ni Barzaga.

Sa survey ng University of the Philippines-OCTA Research Team noong Pebrero, sinabi ni Barzaga na 19% lamang ang payag na magpabakuna, 46% ang tutol at 35% ang wala pang desisyon.

Naniniwala si Barzaga na may batayan sa Konstitusyon kung maglalabas ng polisiya ang isang kompanya upang ang payagan lamang pumasok sa trabaho ay ang mga nabakunahang empleyado.

Maaari rin umano itong gawin ng mga mall, restaurant, hotel, pribadong parke, at eskuwelahan. Ang mga walang bakuna ay maaari rin umanong limitahan ang pagbiyahe.

Kailangan umanong proteksyunan ng gobyerno ang mga taong nagpabakuna lalo at umaabot sa P400,000 ang average na gastos sa apat na araw na pagpapagamot sa ospital ng isang taong may mild COVID-19.

“Unfortunately, this financial cost is nowhere near the total harm caused by the pandemic. A great number of us are fearful of getting infected. We are subjected to restrictions on mobility but we all know that these measures are not enough. Social distancing, masking, basic COVID-19 protocols work but vaccination is an important key to stop this pandemic,” dagdag pa ni Barzaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?