177
Barry Manilow natakot mawalan ng career kaya hindi nagladlad
By

Barry Manilow natakot mawalan ng career kaya hindi nagladlad

Inamin ni Barry Manilow na kung inilantad niya ang totoong kasarian noong kaniyang kasikatan ay malamang na nawalan siya ng career.

Sa unang pagkakataon nagkuwento ang 75-anyos na singer tungkol sa kaniyang sexuality sa interview ng People magazine.

Aniya, hindi siya umamin noon dahil sa takot na mawalan ng career.

“It’s absolutely wonderful. I went through many, many years when I couldn’t do that. As soon as the word got out my career would have been over. Everybody knew it, we had to watch out for making a mistake,” ani Manilow.

Nagkaroon umano ng lakas ng loob ang “Mandy” hitmaker na sabihin ang kaniyang sexuality nang pakasalan ang long-term partner na si Garry Kief, na nakilala niya noong 1978.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?