125

By

Barroca sorpresang bunot sa Team Pilipinas pool

Makalipas ang pitong taon, muling babalik sa international stage ang Magnolia guard na si Mark Barroca.

Parte si Barroca ng unang buo ng Smart-Gilas Pilipinas noon pang 2009 kasama ang ilan pang amateur players, tumapos ang national team sa ikaapat na pwesto noong 2011 Fiba Asia Championship, ang pinakamataas na tapos sa nasabing kompetisyon mula pa noong 1987.

Sa Pebrero, magbabalik-aksyon sa Fiba court ang Magnolia star, na kakagaling lang sa impresibong finals run sa 2018 PBA Governors’ Cup kung saan pinabagsak ang dating reigning champion na Barangay Ginebra sa semis at Alaska Aces sa finals.

Saad ng Team Pilipinas coach na si Yeng Guiao, nakatulong ang kampeonato ni Barroca, kung saan siya rin ang itinanghal na Finals MVP, maging ang magandang chemistry niya kasama ang isa pang Gilas guard na si Paul Lee.

“The two of them have chemistry and are coming off a championship (in the PBA),” saad ni Guiao sa Sportscenter Philippines. “We need Barroca because he brings offense and defense. And he won Finals MVP. He has championship and international experience and was part of the original Gilas team. I believe he can adapt well to our system.”

Maliban sa kanyang PBA teammate na si Lee, makakasama rin ni Barroca sina Jayson Castro, Scottie Thompson, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, Troy Rosario, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Raymond Almazan, Poy Erram, naturalized player Andray Blatche at back-up naturalized Christian Standhardinger.

Magisismula ang ensaya ng PH national team pool sa January 21, lalabanan ang Qatar sa February 21 at Kazakhstan sa February 25 para sa huling window ng 2019 Fiba World Asian qualifiers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?