47

By

Barroca sabik maglaro sa harapan ng mga kababayan

Matagal-tagal na rin na ‘di nakapaglaro si Mark Barroca sa harap ng kanyang mga kababayan sa Zamboanga City, kaya excited na ang Magnolia Pambansang Manok guard sa isiping mabibigyan ng treat ang mga kababayan ngayong araw.

Darayo ang Petron Blaze Saturday Special ng PBA Commissioner’s Cup sa Mayor Vitaliano Agan City Coliseum sa Zamboanga, haharapin ng streaking Hotshots ang Meralco.

Huling dinala ng PBA ang laro sa Zamboanga noon pang 2010, sa laban ng San Miguel Beer at TNT KaTropa. Sa sumunod na taon, pumasok ang 33-anyos na si Barroca sa pros bilang fifth overall pick ng Shopinas.com Clickers bago nai-trade agad sa B-Meg Llamados (Magnolia).

Mula nang ilabas aniya ang schedule, marami nang mga kaibigan at kamag-anak ang nanghihingi ng ticket kay Barroca.

Sa kabila ng excitement, inuuna ni Barroca ang isipin na laro ang pupuntahan niya doon.

“’Pag punta ‘dun, same lang ‘pag ‘yung mga ibang out-of-town games namin,” anang 5-foot-10 guard.

Inumpisahan ng Hotshots ang torneo sa 0-2, naka-apat na sunod na panalo na. ‘Di puwedeng mawala ang kanilang momentum lalo’t posible pa silang humabol sa top two na twice-to-beat sa quarterfinals pagkatapos ng 11-game eliminations.

“Malaking bagay ‘pag nanalo kami ‘dun kasi aakyat kami sa standings, may malaking chance na makapunta kami sa top two,” panapos ni Barroca.

Ipaparada ng 3-4 Meralco sa 5 pm game ang bagong import na si Delroy Adrian James na pumalit kay Gani Lawal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?