263

By

Barroca pinagmulta ng P50K sa ‘pagsuntok’ kay Banchero

Tumataginting na P50,000 ang naging kabayaran sa pagsapol ni Magnolia point guard Mark Barroca malapit sa ari ni Chris Banchero sa Game Four ng PBA Governors’ Cup finals.

Sa kabila nito’y nakaiwas naman sa suspensiyon si Barroca.

Samantala, pinagmulta rin si Alaska coach Alex Compton ng P20,000 sa naging pahayag nito na makakasira sa PBA.

“If we’re gonna get punched multiple times and there aren’t calls or suspensions, I’ve got a problem with that,” ani Compton matapos ang Game Four noong Miyerkoles kung saan nanalo ang Alaska, 90-76.

Tinawag niya ring “dirty basketball” ang nangyari.

Ipinaliwanag naman ni Commissioner Willie Marcial na ang kabiguan ng referees na tawagan ng foul ang naturang insidente ang dahilan kaya hindi na sinuspinde si Barroca.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?