177
Barroca nilapit ang Magnolia sa titulo vs San Miguel
By

Barroca nilapit ang Magnolia sa titulo vs San Miguel

Ginambala ng isang court invader na nakabihis ng Spiderman costume ang Game 5 ng PBA Philippine Cup finals ng defending three-time champion San Miguel Beer at Magnolia Pambansang Manok Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bigla na lang pumasok mula sa dulo ng hardcourt ang mama at naglulundag at nagtatakbong binanggga si Best Player of the Conference at five-time MVP Fajardo, 3:08 pa sa final quarter at nasa trangko ang Magnolia, 84-78.

Ilang minutong nahinto ang game dahil nasaktan ang San Miguel center na napaupo sa midcourt habang kinompronta ni Chriss Ross ang inaresto ng venue security personnel na lalaki.

Nailabas ito at dinala sa malapit na police station para imbestigahan.

Isang buzzer-beater jumper ni Mark Barroca ang nagpaeskapo sa Hotshots laban sa Beermen, 88-86, para sa 3-2 lead sa best-of-seven series at lumapit sa titulo sa Game 6 sa Linggo ng alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum pa rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?