barriga
By

Barriga vs Kyoguchi, bibitbitin sa Pilipinas

Sharing is caring!

Susubukan ng kampo ni 2012 London Olympian Mark Barriga na dalhin sa Maynila ang kanyang unang pagsalang sa world championship kontra Japanese Hiroto Kyoguchi.

Unang binanggit noong Linggo ng international matchmaker na si Sean Gibbons na plano nilang isabak ang IBF minimumweight champion na si Kyoguchi sa isang laban para depensahan nito ang kanyang titulo.

Ang nasabing laban ay gaganapin sa Setyembre at maari itong ganapin sa Japan o kaya naman sa Maynila.

“I think if we’ll do a purse bid we will do well. We won the fight for the No. 1 ranking, but the IBF doesn’t order (a mandatory fight) until July 31 with Mark Barriga as the top contender,” ani Gibbons.

Matatandaan na pinulbos ni Barriga via unanimous decision ang Colombian na si Gabriel Mendoza kaya siya ang napiling makaharap ni Kyoguchi.

Tagumpay naman si Kyoguchi na depensahan ang kanyang titulo kontra sa Pinoy na si Vince Paras via unanimous decision noong Linggo sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?