39

Jun 25, 2022 @ 16:43
By

Barriga ligwak sa world title fight

Bigo ang Pinoy boxer na si Mark Anthony Barriga na maibulsa ang kanyang unang world title nang matalo via unanimous decision kontra kay Jonathan Gonzalez ng Puerto Rico ngayong Sabado.

Armado ng mas malawak na karanasan sa ring, dinomina ni Gonzalez ang huling tatlong round ng laban at itinakas ang 115-113, 117-111 at 117-111 na unanimous decision win.

Dahil dito, bigo si Barriga na makuha ang WBO light flyweight belt. Siya ay nakilala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Olympics.

Gumanda ang record ni Gonzalez sa 26-3-1, 14 KOs, habang nalasap ni Barriga ang ikalawang talo sa 13 niyang professional fights.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?