6

Oct 18, 2020 @ 14:01
By

Barrier required sa mga motorcycle taxi – Año

Sakaling magbalik-biyahe na ang mga motorcycle taxi, required itong lagyan ng barrier para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon pa kay Interior Secretary Eduardo Año ngayong Linggo, hindi required na magdala ng sariling helmet ang mga pasahero, pero nirerekomenda niya ito.

“Sa motorcycle taxi ay talagang requirement ‘yung barrier kasi hindi ‘yan magkakakilala e,” sabi ng kalihim sa dzBB, Oktubre 18.

“At saka ‘yung paggamit ng helmet, ini-encourage natin ‘yung mga commuters: sana meron kayong sariling helmet para hindi kayo manghihiram,” aniya pa.

Inaasahan aniyang i-disinfect ng motorcycle taxi drivers ang kani-kanilang mga helmet na ipahihiram sa isasakay na pasahero para iwas-pasahan ng virus.

Nauna nang inendorso ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) sa House transportation committee ang pagpapatuloy ng pilot study para sa mga motorcycle taxi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?