104
ABANTE-TNT-sunog-area
Jan 1, 2018 @ 18:42
By

Barracks, talyer nasunog dahil sa kuwitis

Ang bumagsak na nagbabagang kuwitis ang naging sanhi nang pagkasunog ng sampung barracks ng isang contruction company at isang talyer sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa inisyal na report sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City, dakong alas-10:00 ng gabi, nang biglang sumiklab ang apoy sa mga barracks ng construction company na pag-aari ni Engr. Virgilio Ranay na matatagpuan sa Sagittarius corner Asteroid Sts., Remarville Brgy. Bagbag, Novalichez.

Sa pahayag ng anak ni Ranay, may bumagsak na baga ng kwitis sa isa sa mga barracks na gawa sa light materials na siyang sinasabing pinagmulan ng apoy, at dahil sa lakas ng hangin ay mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabi pa nitong barracks at nadamay ang katabing talyer.

Dahil abala sa pagsalubong sa Bagong Taon ay hindi agad napansin ng mga residente ang sunog kaya mabilis na kumalat ang apoy na umakyat sa ikatlong alarma. Pagsapit ng alas-12:40 ng madaling araw ay idineklarang fire out ang BFP ang nasabing sunog.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog at inaalam pa ang kung magkano ang halaga ng natupok na ari-arian. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?