30

Oct 10, 2021 @ 21:19
By

Baron sokpa sa volley pool

Solido hanggang 2022 ang 25-player national women’s indoor volleyball training pool na pangungunahan ni Mary Joy ‘Majoy’ Baron, ayon kay Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon Suzara.

“For me no, this will be the pool until next year since we have a lot of big events next year,” lahad ng opisyal sa “Power and Play” ni Noli Eala sa Radyo Singko nitong Sabado. “In other countries the national team is not only 14 players. They have 20 to 25 players that any time the national team needs to travel for a championship, they just need to select the 14 players that need to go. This is now the new trend.”

Kapapalo lang ng PH 6 sa 21st AVC Asian Women’s Volleyball Club Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand nitong Oct. 1-7 kung saan pumang-anim ang Choco Mucho at nangulelat ang Rebisco.

Ilan sa mga umaksyon sa Thailand ay sina Baron, Tyler-Marie Kalei Mau, Abegail ‘Aby’ Marano, Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat, Dawn Nicole Macandili, Iris Tolenada, Faith Nisperos at iba pa.

Hangad din ni Suzara na lalo pang masuportahan ang programa ng national team kagaya sa basketball.

Ilan sa mga nakalinya para sa national team sa susunod na taon ang 31st Southeast Asian Games sa Vietnam, 19th Asian Games sa China, at AVC Asian Women’s Volleyball Championship sa pagpapasyahan pang lugar.

Kasabay nito, giniit ni Suzara na walang pamumulitika sa sports sa hindi pagsama nina volleyball phenom Alyssa Valdez at multi-awarded setter Julia Melissa ‘Jia’ Morado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?