3,956
Baron pakakasal na sa psychologist girlfriend
By

Baron pakakasal na sa psychologist girlfriend

Nakatakdang pakasalan ni “Ang Probinsyano” actor Baron Geisler ang girlfriend nitong psychologist na si Jamie Marie Evangelista.

Tatlong buwan na aniyang engaged sina Geisler at Evangelista matapos maging mag-on noong September 2018.

Ayon kay Geisler sa Push report, isang psychologist ang kaniyang fiancee at nagtatrabaho sa mga rehabilitation center.

Nagtuturo rin umano ito sa mga college student.

Masaya umano si Geisler kay Evangelista dahil sa pagiging maalaga nito.

“She’s very patient sa akin. Alam niya kung paano ako timplahin. Super happy ako kasi maalaga siya,” sabi ng aktor.

Hindi rin aniya siya iniwan ni Evangelista noong walang-wala siya.

“When I had nothing, wala pa ‘yung barber shop ko, nu’ng walang-wala ako, she supported me. Kasi ang buong pag-aakala ko wala na akong babalikan sa showbiz, kaya nagtayo na lang ako ng business,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?