1,968
Baron nambugbog daw ng dating karelasyon
By

Baron nambugbog daw ng dating karelasyon

Isang babae ang lumutang at inakusahan ang aktor na si Baron Geisler ng physical abuse.

Sa kanyang Twitter post, sinagot ni Baron ang komento ng isang netizen kung bakit binibigyan pa rin ng proyekto ng ABS-CBN ang aktor kahit nananakit diumano ito.

“Excuse me. Never ako nanakit. Puro alleged harassment that cost me millions,” tweet ni Geisler.

Ni-repost ito ng umano’y ex-girlfriend ni Baron na si Karen Anne Tolosa at sinabing, “Are you sure? Or are you delusional? Or do you need me to remind you of reality? Stop lying to people. It’s sick.”

Sa Facebook ikinuwento rin ni Tolosa kung paano siyang sinaktan noon ng aktor.

“One year and three months ago, you almost killed me. I let you walk, di kita pinakulong, di kita kinasuhan. I gave you a chance and the benefit of the doubt because you were ‘changing your life.’ Clearly, you didn’t learn anything at all. You are not the victim here, Baron Geisler. It’s time you own up to the truth and face it,” aniya.

Sinamahan niya ito ng mga larawan kung saan makikita ang mga pasa niya na kagagawanumano ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?