159

Oct 12, 2020 @ 21:51

Baron Geisler pumasok na navy reservist

Sumali sa Navy Reserves si Baron Geisler.

Kinumpirma iyon ng aktor sa mga series of photo sa kanyang Instagram account habang nasa 511th Naval Squadron Reserve base sa Cebu City.

Isa netizen ang nagtanong kung magti-train sa Navy si Baron.

Sinagot iyon ni Baron ng “opo.”

“My day was such a blessing. Thank you, Abba Father for leading and guiding me to the right path. My Life is purposed to serve YOU and the people I meet on this journey. Thank you for protecting me and my family. I love You!,” sabi niya sa caption.

Maliban kay Baron, kabilang sa mga celebrity na sumali sa Armed Forces of the Philippines bilang reservist sina Arci Muñoz, Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Matteo Guidicelli, Gerald Anderson at Winwyn Marquez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?