188

Oct 17, 2017 @ 12:31

Baron Geisler nanggulo sa bar, arestado

Dinakip ng mga pulis ang actor na si Baron Geisler matapos umanong magwala ito sa loob ng isang resto-bar sa kahabaan ng Tomas Morate Avenue sa Quezon City noong Lunes ng gabi.

Sa report ng Unang Balita ng GMA News, si Geisler ay nauna nang pinagbawalang pumasok sa bar dahil sa diumanoy panggulo nito.

Kalmado nang dumating ang aktor sa bar at pinayagan naman siya ng mga guwardiya subalit pagkalipas ng ilang minuto nagsimula na niyang sigawan ang iba mga customers at miyembro ng staff doon.

Agad na tumawag ang mga guwardiya ng pulis at dinala ang actor sa himpilan ng pulisya. Iginiit ni Geisler na hindi siya ang nagsimula ng gulo sa bar.

Sabi sa report, plano ng owner ng bar na magsampa ng kasong unjust vexation at scandal laban sa actor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?