27

Sep 9, 2021 @ 19:48
By

Baron Geisler nagbigay inspirasyon sa mga lulong sa alak

Nagbigay inspirasyon si Baron Geisler sa mga taong lulong sa alak.

Sa programang Stories of Hope, ikinuwento ni Baron na nagsimula ang pagkalulong niya sa alak sa bad company.

May pagka-rebelde raw siya at nang magalit siya matapos ipasok ng nanay niya sa state university noong high school.

Hanggang sa napasok siya sa frat at nagsimula siyang uminom.

Aminado rin siyang lumaki ang ulo niya sa edad na 21 dahil nakapagpundar na siya ng mga sasakyan at bahay.

Matatandaang noong 2005 nakulong si Baron matapos manuntok ng kapitbahay dahil sa kalasingan.

Gusto niyang sabihin sa lahat na laging may pag-asa.

“There’s hope for everyone who struggling like me with alcohol dependency or addiction. God is always there. His hand is always there,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?