176

Oct 19, 2017 @ 16:19

Baron Geisler ‘di nakalaya sa yosi

Nanatili paring nakakulong sa Kamuning police station 10 ng Quezon City Police District (QCPD) ang actor na si  Baron Geisler, matapos magwala sa loob ng isang restobar sa Tomas Morato, Quezon City.

Sumailalim na si Baron sa inquest proceedings dahil sa kasong alarm and scandal at unjust vexation sa Quezon City prosecutor’s office.

Ayon sa resolusyong inilabas ng piskal, may sapat na batayan para kasuhan ang aktor pero hindi parin nakalaya makaraang mabatid na may standing warrant of arrest siya sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ang mandamyento de aresto ay dahil sa  paninigarilyo ng actor sa loob ng eroplano.

Si Geisler ay inaresto dahil umano sa pagwawala nito at pagmumura sa TGIF restobar makaraang uminom ng alak at malasing.

Itinulak umano ni Gaisler ang guwardiya at pinagmumura kaya nagtayuan ang lahat ng mga customer, ang iba ay nagtakbuhan palabas, kaya tumawag ng pulis ang management saka ipinaaresto ang actor.

Nabatid na dating ng ‘banned’ sa nasabing restobar si Geisler pero nagawa nitong makapasok dahil dumadaan umano ito sa isang gate..

Itinaggi naman ni Geisler na siya ay nagwala, nanggulo at nagmula, pero aminadong nakainom ito.  (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?