66

Sep 8, 2021 @ 12:25
By

Baron dating adik, “Son of God” na ngayon

Binalikan ni Baron Geisler ang naging buhay niya noong wala pa siya sa puder ng Diyos.

Kwento ng aktor sa “Stories of Hope,” bata pa lamang siya ay pakiramdam niya ay hari na siya.

Sa edad kasing 16 ay nakabili na siya ng sarili niyang tsikot at sa edad naman na 21 ay nakapundar na siya ng mansyon.

“You feel like the king. Lahat ng sabihin ko, nasusunod naman talaga,” sambit niya.

Pag-amin niya, nalulong din siya sa pagdodroga at pag-iinom.

“Habang nagpipinta ako, umiinom ako, smoke ako ng weed. ‘Pag may nagkamali doon, suntok agad sa mukha,” wika niya.

Maging ang mga trabahador niya noon ay inaalipusta rin daw niya.

“Ang driver ko kapag nagkamali, sinusuntok ko rin at saka dinuduraan ko sa mukha. Feeling ko ako na, parang ako ang Diyos,” ani Baron.

“Kasi may void sa puso ko, may pagkukulang so kino-compensate ko sa mga bagay-bagay. It could either be pambababae, it could be alcohol, drug, material things,” pagpapaptuloy pa ng aktor.

Matapos ang makailang-ulit na labas-pasok sa rehabilitasyon, tuluyan nang nabago si Baron sa ikapitong beses.

Aniya, may pag-asa pa para sa mga taong lasinggero at adik tulad niya.

“There is hope for everyone who are struggling like me with alcohol dependency or addiction. God is always there, His hand is always there.”

Nito lamang 2019 nang ikasal si Baron sa kanyang psychologist na si Jamie Evangelista.

Kasalukuyan silang may isang anak na si Talitha Cumi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?