361

By

Baron bilang Dante sa ‘Ang Probinsyano’ pinuri ng mga netizen

Kasama na sa longest-running TV series na “Ang Probinsyano” si Baron Geisler.

Pawang positibong reaksiyon ang nakuha ng unang paglabas niya bilang “Dante” sa naturang serye na pinagbibidahan ni Coco Martin noong Huwebes.

Sa naturang episode, nangholdap ng bangko si Dante kasama ang mga armado niyang grupo habang may suot na maskara.

Matapos makitang si Baron ang nasa likod ng maskara, maraming netizen ang nagsabing bagay kay Baron ang pagiging kontrabida.

May nagsabi pang mas matindi siyang kalaban kaysa kay Jhong Hilario!

“Naku sa sobrang galing mong artista for sure gabi gabi na naman ako maiinis sayo,” sabi naman ng isang netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?