134

By

Baron ayaw pang lumabas sa Cebu rehab

Sharing is caring!

Itinanggi ni Baron Geisler ang lumabas na balita sa DZRH news na lalabas na raw siya ng rehabilitation center. Nakalagay pa rito na tuloy-tuloy na nga raw ang pagbabago ng actor.

Ni-repost ito ni Baron sa kanyang Twitter account at sinabing, “Not true. Three months pa po.”

Ilang beses na pumasok sa rehabilitation center si Baron dahil sa addiction niya sa alcohol. Ilang beses na rin siya binibigyan ng pagkakataon ng industriya na muling makabalik. Una sa lahat, isa si Baron sa mahusay naman talagang actor.

Marami nang nasangkutang gulo si Baron, nakulong na rin. Sa pagkakataong ito, nakakabasa kami ng mga komento sa kanya na umaasa at nananalig pa rin sa lubusan na niyang pagbabago at pagtalikod sa bisyo.

Kaya sana nga, tulad ng fake news na lalabas na siya, maging totoo naman ang sinabing tuloy-tuloy na ang pagbabago niya once na nakalabas na siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?