10

Mar 4, 2021 @ 20:06
By

BARMM may Sinovac vaccine na

Natanggap na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong Huwebes ang unang suplay nila ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng GMA News, dinala ng Philippine Airlines Flight 2959 ang 4,200 doses ng Sinovac vaccine sa Cotabato Airport kanina.

Ani Dr. Ameril Usman, officer-in-charge ng MOH-BARMM, sa Biyernes na magsisimula ang pagbabakuna nila sa mga medical frontliner sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ibibigay ang mga nakuhang bakuna sa 2,100 health worker ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?