546

Nov 7, 2019 @ 17:50
By

Barkong may sakay na 63 katao, lumubog sa Cebu

Isang barko na may sakay na 63 katao ang tumaob habang binabaybay ang ang karagatan sakop ng Sibonga, Cebu.

Sa ulat ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Capt. Arman Balilo, nasa 53 pasahero at 10 crew ang sakay ng MV Siargao Princess ng maglayag ito dakong alas-9:30 ng umaga mula sa Bohol.

Subalit pinasok umano ito ng tubig dahil sa hampas ng malalaking alon sa karagatan at pagsapit ng alas-11:15 ng umaga sa Sibonga, Cebu ay tuluyan na itong lumubog.

Mabilis namang nakapagpadala ng distress alert sa PCG ang kapitan ng barko dahilan upang agad na makapagpadala ng rescue team ang ahensya.

Sa huling update ay ligtas naman ang lahat ng sakay ng barko, 59 sa mga ito ay lulan ng MRRV 4406 patungong Carcar, Cebu habang nauna nang nakarating sa pampang sa Carcar ang apat na iba pa.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon kung ano ang tunay na dahilan ng paglubog ng nasabing barko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?