963

Dec 21, 2017 @ 17:20
By ,

Barkong may lulan na 251 pasahero lumubog sa Quezon

Lumubog ang isang barko na may sakay na 251 katao sa pagitan Dinahican Point, Quezon at Polillo Island malapit sa Pacific Ocean kaninang umaga.

Ayon kay Senior Supt. Rhoderick Armamento, Quezon police director, karamihan sa mga pasaherong sakay ng MV Mercraft 3 patungong Polilio island.

Karamihan umano ay nailigtas subalit ayaw pang magbigay ng impormasyon kung may namatay sa insidente.

Sa inisyal na report ng Infanta PNP, base sa nakalagay sa manifesto, may sakay na 251 pasahero ang cargo vessel na MV Mercraft 3 ng ito ay umalis sa Real port.

Patungo ito sa isla ng Polillo nangg abutan ito ng malalaking alon na naging dahilan ng paglubog nito.

Agad nagsagawa at patuloy pa ang search and rescue operation ang Philippine Coast Guard, Infanta at Polilio MPS, MDRRMC ng Infanta at ng Gen. Nakar lulan ng bangkang Mercraft 2 at isa pang fishing vessel.

Una nang nagpadala ang coast guard ng dagdag na rescue teams mula sa Batangas, pero nahihirapan ang mga itong makalapit sa Quezon dahil sa mga naglalakihan alon.

Nakipag-ugnayan na ang PCG sa Southern Luzon Command ng militar para magpadala ng mga karagdagang barko at chopper para sa mas mabilis na rescue operation.

Base pa rin sa report, Ilang pasahero na ang nailigtas at nadala na sa Dinahican Point, bagama’t hindi pa makapagbigay ang PCG ng eksaktong bilang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?