585
Barko sumalpok sa balyena, 87 sugatan
By

Barko sumalpok sa balyena, 87 sugatan

Isang barko ang hindi sinasadyang nabangga sa isang balyena na nagdulot ng sugat sa tinatayang 87 katao noong Sabado, Marso 9.

87 katao ang sugatan at lima sa mga ito ang seryoso ang kondisyon matapos na sumalpok ang sinasakyang barko sa isang balyena sa Japan.

Naganap ang naturang insidente bago pa man makadaong ang hydrofoil sa Sado Island matapos ang biyahe nito sa mainland.

Ayon sa Japan Coast Guard, malakas ang impact ng naturang salpukan kaya nasugatan ang mga pasahero ng barko.

Ang likurang bahagi ng barko ay nasira samantala wala pa namang detalye ukol sa kalagayan ng balyena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?