30

Jun 23, 2022 @ 10:13
By

Barko sumadsad sa baybayin, 18 sakay ligtas

Sumadsad ang isang barko nang hanginin at tangayin ng malaking alon sa baybayin ng Pantawan, Rizal Blvd., Dumaguete City nitong Miyerkules.

Rumesponde agad ang Philippine Coast Guard (PCG) Station Dumaguete SA barkong MV Fast Cat M6.

Agad namang nakipag-ugnayan sa MTug Ankiesha ang PCG Station Dumaguete at Marine Environmental Protection Unit (MEPU)-Negros Oriental para mahila ang sumadsad na barko.

Napag-alamang 18 crew ang sakay nito at nasa maayos na kondisyon matapos ang towing operations.

Ayon sa MEPU-Negros Oriental, walang namataang oil spill.

Magkakaroon naman ng underwater inspection upang matignan ang kondisyon ng MV Fast Cat M6.

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,