221

By

Barko ng China dumaong sa Davao

Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na alam niya ang pagdating ng isang Chinese surveillance ship sa Davao City kagabi.

Sinabi nito na mismong si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang sumulat kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano kaugnay sa pagdaong ng Yuanwang-3 sa Sasa Wharf sa lungsod ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya sa kanyang pagkakaalam, pumayag si Cayetano na magsagawa ng refurbishing ang naturang barko base sa hiling ni Zhao.

Sa pahayag naman ng Philippine Navy, sinabi ni Commodore Jonathan Zata, alas-8:14 ng gabi nang dumaong ang naturang barko at ito ay may diplomatic clearance.

Giit nito, ito ay routinary ship visit na karaniwang ginagawa naman ng ibang banyagang barko na nais bumisita sa bansa.

Dagdag pa nito, na sa kanyang pagkakaalam, ang barko ng China ay aalis din sa araw ng Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?