67
barko
By

Barko, nasunog sa Navotas fish port

Sharing is caring!

Nasa mahigit P100,000 halaga ng kagamitan umano ang tinupok ng apoy nang masunog ang isang barko sa Navotas fish port kaninang umaga, Disyembre 6.

Ayon sa Navotas City-Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-10:34 ng umaga na sumiklab sa unahang bahagi ng roof deck ng nasabing barko na matatagpuan sa Pier 5 ng Navotas fish port.

Naglagablab ang apoy dahil sa hangin kaya’t umabot sa ikalawang palapag ng barko ang sunog kung saan nahirapang apulain ng mga bumbero dahil sa makapal na usok.

Dagdag din sa pahirap ng mga pamatay-sunog ang masamang amoy ng kemikal na nasa barko kaya’t kinailangan nilang magsuot ng aparato para makahinga nang maayos at makapasok sa ng cargo vessel.

Alas-singko ng hapon ay hindi pa tuluyang naaapula ang apoy bagama’t kontrolado na ng mga otoridad.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang pinagmulan ng sunog habang wala namang naiulat na sugatan sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?