30
views
ralph-recto
By

Barko na gamit sa smuggling ng bigas wasakin, palubugin – Recto

Sharing is caring!

Iminungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na wasakin at palubugin ang barko na mahuhuling kakuntsaba sa smuggling ng bigas at iba pang kalakal.

Garantisado umanong masasawata rito ang smuggling ng bigas at iba pang produktong agrikultural na sumisira sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Ayon kay Recto, kung naipawasak ni Pangulong Duterte ang mga smuggled na luxury cars, puwede ring kumpiskahin ang barko na sadyang gamit sa smuggling.

Kung papayagan ng batas, palubugin na aniya ang barko para maging artificial reef.

“Siguro panahon na para mag-sample ang pamahalaan ng isang pasaway na barko upang hindi tularan ng ibang may balak na magpuslit ng mga ilegal na produkto,” ani Recto.

Niliwanag naman na ang kaniyang mungkahi ay para sa mga barko na sadyang kinasabwat ang nagmamay-ari at crew para sa pagpupuslit.

Hindi naman umano kailangang kumpiskahin o palubugin ang mapapatunayan na nakargahan lang ng kontrabando.

“Hindi naman isang container lang ng bigas ay automatic na gigibain na ‘yung barko. Pero kung ang buong barko ay kinontrata para mag-smuggle ng bigas o langis, at kasabwat ang crew at may-ari, ganyang klaseng mga barko ang dapat hatulan ng kamatayan,” sabi ni Recto.

“Kung carrier in good faith, at pati sila naloko din, huwag dapat parusahan. But if the ship is in conspiracy with the shipper, and participates in its clandestine unloading, and navigates in a manner that eludes detection, then the ship is an active participant in a crime,” paliwanag pa ni Recto.

Sinabi ito ng senador matapos na masabat ang Mongolia-flagged ship na may kargang 8,000 sako ng puslit na Vietnam rice.

“Forfeiture of vessels are allowed under Philippine law, citing Section 1113 (a) of R.A. No. 10863, otherwise known as the Customs Modernization and Tariff Act. If not destroyed, confiscated ships can be repurposed,” dagdag nito.

Kapag kinumpiska ang barko, puwede rin umanong pakinabangan ng gobyerno.

“Puwedeng gawing training ship. Puwedeng gawing carrier of relief goods to calamity areas. Puwedeng research ship sa Benham Rise,” pahayag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?