72
Barkley nag-donate ng $45,000 sa East Africa
By

Barkley nag-donate ng $45,000 sa East Africa

Matapos ang panalo sa Game 2 ng Milwaukee Bucks kontra Toronto Raptors sa iskor na 125-103, umupo si Bucks guard Malcolm Brogdon sa NBA on TNT crew na binubuo nina Shaquille O’Neal, Ernie Johnson Jr., Kenny Smith at Charles Barkley.

Si Brogdon ay tumapos ng 14 points off the bench na may 5-of-10 shooting at matapos pag-usapan ang laro, nabigyan ito ng pagkakataon upang talakayin ang kanyang charity.

Napag-usapan at kanyang ipinaliwanag ang Hoops2O charity na nagre-recruit ng mga NBA player upang makalikom ng pera para sa clean water well sa East Africa.

“We basically build clean water wells in East Africa and Tanzania,” paliwanag ni Brogdon. “Every summer I go over there. I raise money throughout the season. I have four guys in the NBA that are helping me raise money on different teams. I’m trying to just raise as much money as I can to build more wells, and then I go visit the people in Africa and see sort of the impact that it has,” dagdag nito.

Tinanong ni Barkley kung magkano ang halaga ng isang well at sinagot ito ni Brogdon ng $45,000.

Agad na sinabi ni Barkley na bibigyan niya ito ng $45,000 para sa isang well. “I’ll give you $45,000. I’ll give you $45,000 right now,” ani Barkley.

Pabiro pang sinabi ni O’Neal na maaari nitong ipangalan ay ‘The Chuck well’ na sinagot ni Brogdon na ginagawa nga nila ito lalo kung sapat o malaki ang nai-donate ng isang tao.

Kasama rin ni Brogdon sa Hoops2O charity ang mga kapwa niya NBA player na sina Joe Harris ng Brooklyn Nets, Anthony Tolliver ng Minnesota Timberwolves, Justin Anderson ng Atlanta Hawks at Garrett Temple ng Memphis Grizzlies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?