charles-barkley
By

Barkley lumambot, nag-sorry kay Green

Sharing is caring!

Nag-sorry si Hall of Famer Charles Barkley kay Draymond Green ng Golden State.

Hindi nagustuhan ni Barkley ang pambabarako ni Green sa Game 2 ng Western Conference semifinals kontra New Orleans noong Martes, sinabi nito sa halftime show ng TNT na gusto niyang sapakin sa mukha ang do-it-all forward.

Masyado raw madada si Green sa mga kalaban.

Pagkatapos ng laro, sumagot si Green na sapakin na lang siya ni Barkley pag nagkita sila, kung hindi ay manahamik na lang daw si Barkley.

“I apologize to Draymond Green and his mom,” pahayag ni Barkley sa TNT rin Miyerkoles ng gabi. “What I said was inappropriate. I would never punch an NBA player. I meant what I said, but I would never punch an NBA player.

“Draymond Green is a good player. I think he’s a nice kid. I think he’s a nice kid. I wish him nothing but the best. But what I said was inappropriate.”

Sa playoffs, ‘beast’ ang tawag ng mga kakampi kay Green dahil sa lakas nito sa magkabilang dulo.

Naga-average siya ng halos triple-double na 13.3 points, 11.4 rebounds at nine assists per game.

Sa Game 5 ng first-round series kontra San Antonio, nagbaba siya ng 17 rebounds. Sinundan niya ito ng 18-rebound performance sa Game 1 kontra Pelicans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?