50

Feb 19, 2021 @ 11:58
By

Barkley: Clarkson deserve maging All-Star kesa Davis!

Kung si NBA Hall of Famer Charles Barkley ang tatanungin, walang duda na swak ang performance ni Jordan Clarkson sa 2021 NBA All-Star.

Sa ‘NBA on TNT’, tanging si Barkley lang ang naglagay sa pangalan ni Clarkson sa kanyang napupusuang All-Star lineup para sa Western Conference.

“He’s been the best bench player in the NBA this year, got the best record in the NBA,” paliwanag ng 1993 NBA MVP.

“Most people don’t notice that. He’s been fantastic this year that’s why I put him on my list,” aniya pa.

Nang tanungin siya ni Shaquille O’Neal kung tingin niya’y mas deserving si Clarkson sa All-Star team kaysa kay Lakers superstar Anthony Davis, pinunto ni Barkley na kulang ang performance ngayon ni AD para mapabilang sa naturang event.

“Is Anthony Davis a better player? Yes. But he did not play like an All-Star this year,” giit ni Chuck.

Ngayong season, nag-average ang Fil-Am guard ng 18.2 points, 4.1 rebounds at 2.1 assists para sa Utah Jazz, at nangunguna para masungkit ang NBA Sixth Man of the Year award.

Si Davis naman ay nag-aaverage ng 22.5 points, 8.4 rebounds at 3.0 assists, ngunit inaasahang magarahe ng abot sa tatlong linggo dahil sa tendinosis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?