61

By

Barkley adik sa donut ni Shaquille

Marami-rami na ring na-invest na negosyo ang NBA legend na si Shaquille O’Neal mula restaurants at carnival cruise lines pero paborito niya ang investment niya sa Krispy Kreme dahil mahilig siya sa donuts.

Aniya sa Wall Street Journal , paborito niya ang donuts maging ng kaibigan niyang si Charles Barkley.

Si Barkley nga aniya ang biggest customer niya.

“Because I like donuts, and Charles Barkley loves donuts. He’s my biggest customer,” sabi ni O’Neal.

Unang natikman ni O’Neal ang donut ng Krispy Kreme noong college siya at na-in love na siya rito.

Pero posibleng mabawasan ang kita ng NBA Hall of Famer dahil sa obsession ni Barkley sa donut.

Noong birthday ni Barkley ng February niregaluhan siya ni O’Neal ng “lifetime of free donuts”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?