23

By

Barker vs barker, 1 kritikal sa Pasig

Pinaghahanap ngayon ng Pasig Police ang dalawang jeepney barker matapos pagtulungang bugbugin, barilin sa paa at saksakin pa ng ice pick sa noo ang kapwa barker matapos ang mainitang pagtatalo, Biyernes ng gabi sa Marcos Highway, Barangay Santolan, Pasig City

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakaalerto ang Pasig Police para sa mga suspek na nakilalang lamang sa alyas na Nosi at isang hindi pa nakikilalang jeepney barker na nambiktima ng kapwa nila barker na si Jason Palermo, 29-anyos, dating jeepney barker at residente ng Angel Santos St., Barangay Tumana, Marikina City

Ayon kay Police Col. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig City Police, naganap ang insidente bandang 9:30 Biyernes ng gabi nang mapadaan ang biktima sa tulay malapit sa SM City Marikina sa Marcos Highway nang dumating ang isa sa mga suspek at nagkausap ang dalawa at biglang nauwi sa mainitang pagtatalo.

Nagkaroon ng murahan, suntukan at agad namang dumating ang isang suspek na bumunot ng baril saka pinaputukan ang biktima sa kanyang kanang paa habang isa naman ang sumaksak ng ice pick sa noo ng biktima.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek habang agad na dinala si Palermo sa Amang Rodriguez Medical Center.

Hinala ng pulisya na old grudge o matagal nang alitan ang nag-udyok sa dalawang suspek laban sa nag-iisang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?