198

Jan 12, 2020 @ 15:39
By

Barker sumubok maging akyat-bahay

Arestado ang isang barker matapos mabuking sa tangkang pagnanakaw nang mahuling pumapanik ng bakod na kanyang pagnanakawan, Sabado ng gabi sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Ricardo Gonzales y Serya, 35-anyos, jeepney conductor at residente ng Marikina City.

Inaresto ang suspek bandang alas-10:30 Sabado ng gabi sa kahabaan ng Sweden St. ng mga nagpapatrulyang tanod ng Barangay Concepcion Uno na sina Dela Cruz at Dizon nang makita nila ang suspek na aktong pumapanik sa mataas na bakod para pasukin ang isang residential house.

Nakumpiska mula kay Gonzales ang isang kitchen knife na may habang 9.5 inches.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?