By

Barker, pinatahimik ng riding-in-tandem

Sharing is caring!

Malapitang binaril sa ulo ang isang barker ng riding-in-tandem habang ang una ay abala sa pagmamantine ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Tandang Sora, Quezon City nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktimang si Jeffrey Poblete, alyas Popoy, 31-anyos, barker, at naninirahan sa ilalim ng tulay na nasa boundary ng Tandang Sora Avenue at Sangandaan ng nasabing lungsod.

Si Poblete ay namatay noon din sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Julius Cesar Balbuena, ng CIDU-QCPD, ang pamamaril ay naganap dakong alas-4:45 ng hapon sa kahabaan ng Tandang Sora cor. General Avenue, Brgy. Tandang Sora.

Batay sa pahayag ng nakasaksing bystander na nakilala lamang sa pangalang Randy, abala sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko ang biktima habang nagtatawag ng pasahero sa nasabing lugar nang hintuan ng dalawang kalalakihan na magka-angkas sa motorsiklo na walang plaka at walang sabi-sabing malapitang pinaputukan sa ulo ang nasabing barker.

Nang duguang bumagsak ang biktimay ay nilapitan pa ito ng bumaril at nang masigurong patay na ang barker ay saka tuluyang tumakas ang dala ang armas na ginamit sa pamamaslang.

Masusi nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril at inaalam kung may CCTV sa naturang cime scene upang makilala ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?