212

Feb 29, 2020 @ 21:38
By

Barker patay sa pamamaril sa Taguig

Patay ang isang barker nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin nitong Sabado ng hapon sa Taguig City.

Sanhi ng maraming tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Marvin Esteban, 47, naninirahan sa Barangay Bambang, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ni Police Col. Celso Rodriques, hepe ng Taguig City Police, alas-4:53 ng hapon nang maganap ang insidente sa lugar ng biktima sa Barangay Bambang.

Lumabas sa imbestigasyon na nakatayo ang biktima sa naturang lugar nang pagbabarilin ng lalaki na umano’y naglakad lamang patakas.

Base naman sa report ng pulisya, ang biktima ay sangkot sa kasong robbery, akyat-bahay at sa droga sa nasabing lugar.

Subalit ayon kay Marites Esteban, asawa ng biktima, na nagtungo lamang ang kanyang asawa sa hindi kalayuan sa kanilang bahay para mag-barker.

Ngunit nabalitaan na lamang niya sa kanilang lugar na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang kanyang asawa.

Dahil dito palaisipan sa pamilya Esteban ang ginawang pamamaslang sa biktima gayong wala naman silang alam na dahilan para patayin ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?