184

Dec 20, 2017 @ 17:04
By

Barista itinumba habang nagpapatulog ng baby

Inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa isang barista sa loob ng isang coffee shop sa Paranaque City Martes ng gabi.

Nabatid na dalawang naka-jacket na lalaki ang pumasok sa coffee shop sa Barangay San Isidro alas-9 at isa sa kanila ang bumaril kay Dan Joseph Alas.

Hindi na rin inalintana ng salarin ang posibilidad na madamay ang tatlong taong gulang na anak ng biktima na ng mga sandaling iyo ay pinatutulog ng kanyang ama.

Sa kabila naman ng mga tama ng bala sa katawan, nakatakbo pa si Alas sa palikuran bitbit ang kanyang anak ngunit namatay din siya.

Wala ng nagawa ang mga nabiglang customer dahil tinutukan na sila ng baril ng salarin, na tinangay pa ang dalawang cellphone sa kanilang pagtakas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?