11

By

Barista at bartender na higit 50K ang sahod kailangan sa Bahrain

Sharing is caring!

Aabot sa 100 baristang Pinoy at mahigit 300 bartender ang kailangan ngayon sa Bahrain, ayon sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para dalhin at magtrabaho sa Bahrain.

Ayon pa sa POEA, puwedeng umabot sa P50,000 hanggang P60,000 ang nakalaang suweldo ng mapipiling barista at bartender lalo na kapag nakatapos sa barista at bartender sa mga accredited school ng TESDA.

Sinabi naman ni Jocelyn Sanchez, Deputy Administrator ng POEA, in demand ngayon sa ibang bansa ang bartender lalo na sa Singapore, Maldives, Dubai at Bahrain kaya maraming empleyado ang kailangan na kung saan ay kasama sa top 20 in demand jobs sa Pilipinas ang pagiging barista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?