986

By

Barilin sa Luneta ang ilang drug lord – ‘Bato’ Dela Rosa

Sharing is caring!

 

Giniit ni dating Philippine National Police chief na dapat masampolan ang mga drug lord para matakot sa batas.

Nang maitanong sa senatorial forum sa CNN Philippines ang kung paano masusugpo ang problema ng Pilipinas sa iligal na droga, sinabi ni Bato na dapat ay maipatupad na ang death penalty para magtanda ang mga sangkot sa iligal na droga.

Sabi ko let’s try, i-reimpose natin itong death penalty. Tingan natin, barilin natin sa Luneta itong isa, dalawa, tatlo, apat na drug lord, tingnan natin kung maghahakot pa sila ng drugs dito sa Pilipinas,” saad ni Bato.

Kahit nang maitanong sa dulo ng programa kung ano ang kanyang unang batas na iaakda, death penalty ang naging tugon ni Dela Rosa.

Sa ibang panig, tila hindi sang-ayon si Magdalo Representative Gary Alejano sa tinuran ni Dela Rosa, sinabi na hindi kailangan maging magulo ang laban kontra droga ng administrasyon.

Kung nilulutas ang isang gulo at gulo din ang sagot…ang resulta nito ay gulo din. Dapat ang ating solusyon dito ay kaayusan,” saad ni Alejano.

Hindi naman pabor si Liberal Party bet Chel Diokno sa war on drugs campaign ng administrasyong Duterte, pinaniniwalaan na mas nagkakaroon pa ng masamang epekto ang war on drugs kaysa makatulong ito.

Dapat aniya ay ayusin ang justice system sa bansa upang maparusahan agad ang mga drug personality.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }