842

Feb 24, 2021 @ 20:03
By

Barilan sumiklab sa Commonwealth Avenue

Kinumpirma ng pamunuan ng Ever Gotesco Mall ang nangyaring shootout sa labas ng kanilang establisyimento sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa inilabas nilang pahayag nitong Miyerkoles, sinabi ng Ever Commonwealth management na, “We have secured all access to the mall so all shoppers are safe inside. Our priority right now is to ensure the safety of the employees and the public.”

Nakikipagtulungan na rin daw sila sa Philippine National Police kaugnay sa nangyari at pinag-iingat ang publiko sa pagbabahagi ng mga hindi pa kumpirmadong impormasyon online.

OFFICIAL STATEMENT FROM EVER COMMONWEALTH MANAGEMENT

We have confirmed reports of a shootout that happened earlier…

Posted by Ever Gotesco Malls-OFFICIAL on Wednesday, February 24, 2021

Ayon sa inisyal na report, naganap ang shootout sa pagitan ng mga pulis at isang grupo ng mga armadong lalaki sa isang fast-food restaurant malapit sa nasabing mall.

Dalawang pulis ang naiulat na sugatan sa engkuwentro bandang alas-sais ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?