55

By

Baril ng mga pulis, ‘di na seselyuhan ngayong Kapaskuhan – Bato

Sharing is caring!

Hindi na ulit seselyuhan ng Philippine National Police ang dulo ng mga baril ng kanilang mga tauhan ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

Paliwanag ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa simula pa nang nakalipas na taon ay inihinto na nila ang pagseselyo ng mga baril ng mga pulis.

Sa paraang ito aniya ay ipinakita ng pamunuan ng PNP ang pagtitiwala sa kanilang hanay na hindi masasangkot sa indiscriminate firing at naging positibo ang resulta nito.

Kaya naman dahil sa matagumpay na paraang ito, muli nilang ipapatupad ngayong holiday season ang hindi pagseselyo ng dulo ng mga baril ng mga pulis.

“We have already stopped doing that last year then what happened.The result was very positive. Wala tayong pulis na nakasuhan for indiscriminate firing and yung gun-related, indiscriminate firing related death or injuries masyadong mababa so I don’t think we need to that again” sinabi ni Dela Rosa.

Kaugnay nito, kahapon pinagana na ng PNP ang kanilang ligtas paskuhan 2017 ibigsabihin nito may mga inilatag nang seguridad para maging mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?