105

Jan 3, 2018 @ 18:27
By

Baril na ginamit sa krimen sa Caloocan, pulis ang may-ari

Maaari umanong pagmamay-ari ng pulis ang baril na ginamit ni Isagani Ancheta na suspek sa pamamaril kay Gil Calupaz na ikinadamay pa ng dalawang bata sa Caloocan City noong pagsalubong ng bagong taon.

Isang pulis-Maynila umano ang posibleng nagmamay-ari ng nasabing baril na ini-report ng hindi na muna pinangalanang pulis na nanakawan umano sa Tondo, Maynila noong ika-10 ng Disyembre ng nakaraang taon.

Nakatakda na rin umanong sumailalim sa pagsusuri ang nasabing baril at kinakailangan din umanong mapagpaliwanag ang nasabing pulis na nawalan ng baril.

Ayon kay Caloocan City Police SSupt. Jemar Modequillo, kailangang mai-justify nang maayos ng nasabing pulis ang pagkawala ng kanyang baril.

Kung sakali naman umano hindi ito ma-justify nang maigi ay posibleng magkaroon ng administrative liability ang nasabing pulis.

Samantala, lumabas sa imbestigasyon na tinarget talagang barilin ni Ancheta si Calupaz at hindi lang simpleng away ng mga lasing dahil sa dati nang alitan. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?