64

Nov 17, 2021 @ 15:38
By

Barbie ‘wife material’ para kay Diego

Sa naganap virtual media conference ng “Dulo” na pagtatambalan ng magkasintahang Barbie Imperial at Diego Loyzaga, makikitang sweet na sweet ang dalawa.

Hindi maitatanggi ang sobrang pagmamahal ni Diego nang ipahayag nito na nakikita niya ang aktres at nobyang si Barbie bilang ina ng magiging anak niya.

“Consistent ako sa lahat ng interviews ko, sinasabi ko na ‘yung nakita ko kay B, sinabi ko sa sarili ko na if ever I date a girl, gusto ko na I can see her as the mother of my children,” ani Diego.

Noong nanliligaw pa lang daw ang aktor ay nakita na niya ang katangiang ito sa aktres.

“Kailangan may ganoon siyang factor. And nakita ko yun kay B, really early pa sa relationship, noong nanliligaw pa lang ako sa kanya — how organized she is as a person when it comes to work. She’s maternal,” saad ng aktor.

Masaya naman daw si Barbie dahil natupad na ang kagustuhan nitong makatrabaho ang nobyo.

“Sobrang saya dahil sinabi ko naman before na gusto ko talagang maka-work si Diego,” sabi nito.

Matatandaang inamin ng dalawa na opisyal na silang magkasintahan noong bagong taon. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?