92

By

Barbie, Paul hindi naghiwalay

Sharing is caring!

Balik sa orihinal niyang tahanan bilang isang Kapuso si Paul Salas. Pumirma na ito ng kontrata sa GMA at co-manage na rin siya ng GMA Artist Center at PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan.

Hindi nakakagulat na sa PPL nagpa-manage si Paul pagkatapos ng kontrata niya sa Star Magic dahil bukod sa tiyuhin niya na si Arthur Solinap (magkapatid ang Mommy ni Paul at si Arthur) nasa PPL din ang Tita na niya na si Rochelle Pangilinan, mga tito rin na sina Carlo Gonzales at siyempre, si Dingdong Dantes.

Matagal din daw pinag-isipan ni Paul ang pagbabalik muli sa Kapuso. Huling show niya sa ABS-CBN ay ang You’re My Home na may tatlong taon na rin. Maayos daw ang naging pagpapaalam niya sa Kapamilya at ngayon, masaya at excited siya na back to his original home siya bilang isa siya sa mga Star Struck kids noon kasabay sina Miguel Tanfelix.

Sa isang banda, aware si Paul at aminado sa naging maling mga actions niya dahil sa rumored girlfriend na si Barbie Imperial. Inamin nitong nagkamali siya dahil sa hindi niya napigilang outburst of emotion nang mag-react at mag-post at nagalit pa sa press. Katwiran niya, parang naawa raw kasi siya kay Barbie na tipong naro-roast ito. Pero lahat daw ay napagsabihan siya at nakagalitan.

Naging eye opener raw yun sa kanya at na-realize ang mali niya at nangakong hindi na ito mauulit.

“Totoo po ‘yun, mali po ako run, masyado akong na-carried away. Baka isipin ng lahat minumura ko mga reporters, pero hindi po. Naawa lang po ako kay Barbie. Diet ako nun, walang kain, pero nagalit po sa akin lahat. Daddy ko, Sir Perry, lahat sila nagalit at pinagsabihan ako.”

Naging lesson daw sa kanya ang nangyari.

“Hindi ako dapat nagpapa-apekto, ‘wag OA at sorry po.”

Nang tanungin namin si Paul kung sila pa ni Barbie, ang naging sagot niya, “Okay po kami. Sa lahat po, masasabi ko lang po talaga na special siya po siya sa akin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?