435

By

Barbie nakiliti sa ‘abs’ nina Jak, Derrick

Hindi napigilan ni Kapuso Drama Princess Barbie Forteza na mag-comment sa mainit na cover ng Mega Man Magazine kunsaan kasama sa cover ang kanyang boyfriend na si Jak Roberto at leading man sa teleserye na Inday Will Always Love You at Almost A Love Story na si Derrick Monasterio.

May theme na ‘Best Bodies’ ang naturang issue at nagpagandahan ng mga abs sina Jak at Derrick. Kasama rin sa cover sina Marco Gumabao, Enzo Pineda, David Licauco at ang ex-bf ni Barbie na si Kiko Estrada.

Heto ang caption ni Barbie sa kanyang Instagram:
“Ay grabe naman ito. Kasama ang leading man ko @derrickmonasterio at siyempre ang only man ko @jakroberto sa cover! Feeling ko tuloy 5’7 ang height ko! HAHAHA! Ops. No hate, just love!”

Magkasama noong nakaraang Holy Week sina Barbie at Jak sa Coron, Palawan. Marami ang kinilig sa mga pa-tweetum pics nila sa social media.

“Nakita ko na ‘yun abs sa Palawan eh. Palagi kasi kaming magkasama du’n. Magiging Pambansang Abs ba ‘yun kung sikreto ‘yung abs niya,” tawa pa ni Barbie.

Hindi naman niya ginawang i-compare ang abs ni Jak at Derrick.

“Para naman kasing iisa lang ang itsura ng abs, iba-iba ba ‘yon? Parang kumpol-kumpol lang talaga ‘yun hindi ba?

“Ano kasi ‘yan eh, hard work. Sinubukan ko rin kasing i-achieve magkaroon ng abs para sa ‘Meant To Be,’ hindi ko siya na-achieve.

“So ina-admire ko silang dalawa sa disiplina nila sa sarili nila and sa hard work nila sa pagwo-workout, na-achieve nila ‘yung ganu’ng klaseng katawan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?