202
Barbie naiyak sa sorpresang Valentine’s date ni Jak
By

Barbie naiyak sa sorpresang Valentine’s date ni Jak

Sobrang na-touch si “Kara Mia” actress Barbie Forteza sa pa-dinner date sa kanya ng boyfie na si Jak Roberto noong Valentine’s Day.

Hindi akalain ni Barbie na may date sila ni Jak, ayon sa caption ng pinost na larawan ng aktor sa kanyang Instagram.

Sa mismong bahay pa nila Barbie nag-set up si Jak ng kanilang dinner date.

“Hmpppp akala mo wala tayong date ngayong Valentine’s day no? Happy Valentine’s day Gorgeous!” sabi ni Jak sa caption.

Nag-post din ng video si Jak ng reaction ni Barbie matapos pumasok sa pinto at marinig ang tugtog na “Perfect” na kasama sa sorpresa ng una.

Hagulgol to the max si Barbie dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?