290

Dec 25, 2017 @ 18:22
By

Barbie-Jak magkasama ngayong Pasko

Welcome na welcome nga si Barbie Forteza sa pamilya ni Jak Roberto, ha! Ngayong Pasko, pare-parehong photo ang pinost nina Jak Roberto, ng sister niyang si Sanya Lopez, at siyempre ng girlfriend niyang si Barbie Forteza.

Makikita rin sa IG stories ni Jak ang video ni Barbie na super-get ng food, at sinasabihan ni Jak na, ‘Wala munang diet ngayon, Merry Christmas.’

Of course, hindi feeling artista si Barbie sa selebrasyon na ‘yon. Actually, ang simple lang ng itsura niya, na malayo sa pang-araw-araw na look niya.

Hindi pa-impress sa boyfriend niyang si Jak, na ‘yung tipong dahil first Christmas nila together, dapat super-pretty siya. Pero, hindi nga ganu’n, dahil pareho sila ni Jak, na super simple lang ang itsura, kaya mas feel na feel mo ang happiness, at love nila sa isa’t isa.

Sabi nga, Paskong-Pasko ang atmosphere sa paligid ng JakBie fans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?